
Lahat ay titiisin ni Berto para lang sa pamilya niya kahit na nahihirapan na siya pero dahil sa itsura niya ay lalo siyang nahirapan harapin sa buhay niya. Samantala ng nakilala niya si aling Marta ay naging masaya siya dahil sa naging mabait ito sa kanya pero di nagtagal ay nalaman na ng mga tao ang sakit niya kaya pati si aling Marta ay pinahiwalay ng asawa niya kay Berto. Dahil sa kalagayan ni Berto ay kinuha siya ng mga taga-tala para gamutin at lumipas ang mga taon ay naghilom na ang mga sugat niya at naging isang nurse siya sa tala at nakilala niya si Zyra ang muling nagpasaya sa buhay niya.