“Notebook” (Keanna Reeves)

Oct 1, 2004

Pinakasalan si Janet ni Roger sa edad na 16 anyos. Samantala nagdesisyon si Janet na lumayas dahil hindi nya na matiis ang pananakit ni Roger ngunit binalaan sya nito na kapag lumayas ay hindi na nito makikita ang kanilang anak. Nakitira muna sya sa kanyang kaibigan na si amanda subalit tinangka syang pagsamantalahan ng asawa ng kanyang kaibigan. Pinayuhan si Janet ni Amanda na patulan na nya ang kanyang mga customers para magkaroon na sya ng maraming pera. Nabighani naman kaagad ang kanyang naging customer dahil sa angkin nyang ganda. Nagdesisyon si janet na lumayas sa bahay ni Amanda, binigyan ng bahay at lupa si Janet ng kanyang matandang manliligaw. Binigyan sya ni Mr. Ruiz ng cellphone para hindi na sya mahirapang hanapin. Inalok si Janet ng isang babae para magkaroon ng bagong trabaho tulad ng pag-eescort service. Nagkaroon muli ng customer si janet ngunit hindi sya ng tagumpay at naisip nya tuloy na magpabreast augmentation. Samantala may nakilala syang lalaki na gustong makipag-kaibigan. Nagkaroon sina janet at joseph ng relasyon. Nabisto si janet ni mr. Ruiz na may ibang lalaking kinalolokohan, dahil sa mga pangyayari kaagad syang pinalayas ni mr. Ruiz. Inakala ni janet na si joseph na ang kasagutan sa kanyang kalungkutan subalit nagkamali ito at nalaman nya ang tunay na kulay ni joseph. Tinawagan ni janet ang kanyang ama para magpaliwanag sa mga kumakalat na isyu tungkol sa kanyang tunay na pagkatao dahil dito nalaman nyang ikinahihiya sya ng mga ito. Humingi ng tawad si janet sa kanyang mga anak . Samantala natatakot si janet sa mga nangyayari lalo na ang pagtangka sa buhay nito. Naisip ni janet na magbagong buhay para maging maganda ang tingin sa kanya ng mga tao.

MMK VIDEOS

MMK25: Regional Story Gathering in Zambales

Read more

MMK25: Regional Story Gathering in Cebu

Read more

MMK25: Regional Story Gathering in Bataan

Read more

MMK25: Regional Story Gathering in Pampanga

Read more

#MMKLifeMomentsMadrid: Mayette Calderon & Ofelia Santos

Read more

OTHER EPISODES

Sep 28, 2000

Tirador

Oct 13, 2005

Kuwintas (Chinese Love Story)

Jul 31, 2003

Ferry Boat

Oct 26, 2000

Tahanan

Mar 23, 2000

Kubo

VIEW ALL