Panyo (Kambal)

Aug 11, 2005

Nagkakilala sina Jane at Louie sa restaurant na pinagtatrabahuhan ng lalake. Di naglaon at naging magkasintahan sila. Ipinakilala ni Jane si Louie sa kanyang kakambal na si Janeth. At nagkagusto si Janeth sa binata kaya't ginawa nito ang lahat para mapunta sa kanya ang binata. Plinano ni Janeth ang lahat kaya't may nangyari sa pagitan nila ni Louie at naabutan iyon ni Jane kaya't laking galit niya sa binata gayundin sa kakambal. Sinumbatan ni Jane ang kakambal ngunit nagparaya din ito sa kakambal. Nagpakasal sina Janeth at Louie kahit labag sa kalooban ng lalake. Hindi naging maayos ang pagsasama ng dalawa dahil laging naglalasing si Louie at laging pangalan ni Jane ang bukam-bibig nito. Patuloy na ipinakita at ipinaramdam ni Louie kay Janeth ang pagkadisgusto at ang galit niya para dito. Pinayuhan si Louie ng kanyang tiyuhin kaya't humingi siya ng paumanhin kay Janeth sa mga pasakit na ginawa niya sa asawa. Naki-usap si Jane kay Louie na sana ay mahalin nito ang kanyang kakambal gaya ng pagmamahal na ibinigay nito sa kanya noon. At nagpaalam na sila sa isa't-isa.

MMK VIDEOS

MMK25: Regional Story Gathering in Zambales

Read more

MMK25: Regional Story Gathering in Cebu

Read more

MMK25: Regional Story Gathering in Bataan

Read more

MMK25: Regional Story Gathering in Pampanga

Read more

#MMKLifeMomentsMadrid: Mayette Calderon & Ofelia Santos

Read more

OTHER EPISODES

Apr 25, 2009

Bulaklak (Nelia)

Oct 29, 2016

Schizophenic Father

Oct 31, 2002

Machine Shop

Jan 6, 2000

Abito

May 1, 2010

Headband (SampaGayta)

VIEW ALL