Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: JEVON
Gerald Anderson, Irma Adlawan, Toby Alejar, Yogo Singh, Dindo Arroyo, Yulio Pisk, Carl John Barrameda, Andrei Garcia, Gigi Locsin, Mhyco Aquino, Allyzon Lualhati, at ang PBB Teen Edition 4 ex-housemate na si Kit Thompson.
Date: 2012-07-05MMK IBABAHAGI ANG KUWENTO NG PAMILYA NA NA-MASSACRE SA MASBATE... BABAHA NG LUHA SA SABADO DAHIL KAY GERALD Anak na naghahanap ng hustisya para sa pamilya niyang na-massacre ang bibigyang buhay ni Drama Prince Gerald Anderson ngayong Sabado (Hulyo 7) sa Maalaala Mo Kaya. Matapos siyang gulantangin ng balitang napatay ang kanyang ama at kapatid, at nalagay sa panganib ang nanay niya at iba pang mga kapatid, binalak agad ni Jevon (Gerald) na hanapin ang hustisya at singilin ang kasalanan ng taong nagwasak ng kanilang masayang pamilya. Galit at paghihiganti nga ba ang muling bubuo sa puso ng mga nangungulila? O mas madaling kalimutan na lang ang lahat nang nangyari at magkapatawaran? Kasama ni Gerald sa MMK episode ngayong Sabado sina Irma Adlawan, Toby Alejar, Yogo Singh, Dindo Arroyo, Yulio Pisk, Carl John Barrameda, Andrei Garcia, Gigi Locsin, Mhyco Aquino, Allyzon Lualhati, at ang PBB Teen Edition 4 ex-housemate na si Kit Thompson. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alexandra Mae Martin. Ang sumulat ng episode ay si Benson Logronio at ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval. Ang katatapos lang na Manika episode na pinagbidahan ni Jane Oineza ay sinulat rin ni Benson at idinirek ni Nuel. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology ng Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Wansapanataym.














