abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

Maalaala Mo Kaya Handog Ang Isang Month-Long Special Para Sa 20th Anniversary

Date: 2011-09-23

Sa loob ng dalawang dekada, naging bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang longest-running, top-rating at multi-awarded drama anthology ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya (MMK). Sa paglipas ng panahon, ang MMK ay bahagi na ng buhay ng mga manonood.
 
Kasama si Charo Santos bilang host, iba’t-ibang henerasyon na rin ng mga manonood ang napaibig, napaiyak, napatawa at nabigyang pag-asa at inspirasyon ng mga kwentong buhay na tampok sa MMK.
 
Sa “MMK Dalawang Dekada,” isang two-hour documentary special na ipalalabas ngayong Linggo nang gabi (Sept.25) sa Sunday’s Best, sasariwain kung paano naging saksi ang programa sa iba’t-ibang mga pagsubok at tagumpay na pinagdadaanan ng mga karaniwang Pilipino.
 
Bukod sa mga bigating artista, kasama sa mga kinapapanabikan ng mga viewers ang katapusan at aral na mapupulot mula sa buhay ng lettersender. Sa katunayan, sa pagkahumaling ng mga Pinoy sa MMK, maging ang titulo nito ay pinakaaabangan.
 
Bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta, handog ng MMK ngayong buwan ng Oktubre ang limang de-kalibreng istorya na pagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na aktor at aktres sa Philippine showbiz ngayon.
 
Sa unang Sabado (October 1), kwento mula sa Palawan ang itatampok na pagbibidahan ni Angel Aquino bilang Bogs.Sa istorya, matatalakay ang isyu tungkol sa iligal na pagmimina sa Palawan at kung paano nito ‘minulat’ ang mga mata ng isang ina sa katotohanang kailangan siya ng kanyang pamilya. Sa panulat ni Ruel Montanez at direksyon ng Cannes Best Director Brillante Mendoza, kasama rin sina Yul Servo, Miles Ocampo, Paul Salas at Isabel Lopez.
 
Sa ikalawang Sabado ng MMK, tampok ang kwento ng tap dancing duo ng Pilipinas Got Talent Season 2, ang Happy Feet. Ikukwento ang hirap na pinagdaanan ng magkapatid na Ramon at Bambi bago nila nagawang maipamalas sa buong mundo ang kanilang kakaibang talent. Sa panulat ni Joan Habana at direksyon ni Dado Lumibao, tampok sa ‘Bukidnon-Happy Feet’ bilang magkapatid sina John Prats at Nash Aguas. Gaganap bilang ama nila si Ariel Rivera.
 
Sa October 15 naman, bibigyang buhay ni Jake Cuenca ang karakter ni Louie sa MMK episode na ‘Barcelona.’ Ito ay kwento ng bading na si Louie at kung paano binuo ng pagpapatawad at pagtanggap ang samahan nila ng kanyang amang hindi matanggap ang kanyang kasarian. Sa panulat ni Benson Logronio at direksyon ni Dado Lumibao, kasama sa ‘Barcelona’ sina Ricky Davao, Vivian Velez at Malou de Guzman.
 
Sa huling dalawang anniversary episodes na ipalalabas sa October 22 at 29, tiyak na mas mananabik ang mga loyal viewers ng MMK.  
Kaya’t huwag palampasin ang bawat anniversary episode ng nag-iisang drama anthology na bumibihag sa puso ng mga Pinoy, ang Maalaala Mo Kaya, tuwing Sabado nang gabi.  Para sa iba pang updates, mag logon sa www.abs-cbn.com at sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }