Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: VENUS
Venus Raj, Malou de Guzman, Gio Alvarez, Amy Nobleza, Perla Bautista, Simon Ibarra, and Marielle Pamintuan
Date: 2012-07-17VENUS RAJ LIFE STORY, TAMPOK SA MMK NGAYONG SABADO. Tuklasin ang nakaaantig na kwentong buhay ng Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj sa isang natatanging episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Hulyo 21) kung saan tampok rin ang kauna-unahang pagganap sa TV ng beauty queen turned host. Ano ang mga pinagdaanang pagsubok ni Venus bago siya nakatungtong sa entablado ng Miss Universe? Paano niya hinarap ang pangungutya ng ibang tao dahil sa kanyang panlabas na kaanyuhan? Bakit niya pinanindigang ipagtanggol ang kanyang korona matapos siyang ma-disqualify? Paano nabago ang kanyang buhay ng \'major-major\' niyang tagumpay? Kasama ni Venus sa MMK episode ngayong Sabado sina Malou de Guzman, Gio Alvarez, Amy Nobleza, Perla Bautista, Simon Ibarra, at Marielle Pamintuan. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Maan Dimaculangan-Fampulme at direksyon ni Nuel Crisostomo Naval. Huwag palampasin acting debut ni Venus ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya (MMK), pagkatapos ng Wansapanataym.












