abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: XERCES AT PONSO

Rayver Cruz, Joseph Marco, Elizabeth Oropesa, Bembol Rocco, Eliza Pineda, Jacob Dionisio, Philip Nolasco, Kristel Moreno, at Isay Alvarez

Date: 2012-05-17

Bibida si Rayver Cruz sa Maalala Mo Kaya ngayong Sabado (Mayo 19) tampok ang nakaaantig na kuwento ng magkapatid na Xerces (Rayver) at Ponso (Joseph Marco). Sa kanilang pamilya, palaging si Xerces ang angat at napupuri dahil sa kahusayan nito sa eskwela at sa pagiging masunurin sa kanilang magulang. At sa mga pagkakataong ipinagdiriwang ang kagalingan ni Xerces, napapansin naman ng lahat ang mga kahinaan ni Ponso. Ngunit sa isang hindi inaasahang tagpo, ang magaling na si Xerces ay tuturuan ni Ponso ng isang leksyong hindi niya malilimutan. Paano nga ba nasusukat ang pagmamahal sa pamilya ng isang anak? Kasama nina Rayver at Joseph sa MMK episode sina Elizabeth Oropesa, Bembol Rocco, Eliza Pineda, Jacob Dionisio, Philip Nolasco, Kristel Moreno, at Isay Alvarez. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Rose Colindres, at sa direksyon ni Jojo Saguin. Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), pagkatapos ng Wansapanataym.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }