Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: MGA BABAE
Mylene Dizon, Aubrey Miles, Daria Ramirez, Jake Roxas, Deydey Amansec, Veronica Louise Bernardo, Steven Fermo, at Alexa Ilacad
Date: 2012-08-15KUWENTO NG INA, ASAWA AT KABIT, TAMPOK SA MMK Mga babaeng gagawin ang lahat para ipaglaban ang kanilang karapatan sa iisang lalaki na kanilang minamahal ang tampok sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Agosto 18). Bibida sa pinakabagong episode ng MMK sina Mylene Dizon, Aubrey Miles, Daria Ramirez at Jake Roxas. Matapos labanan ang mapang-abuso niyang biyenan (Daria), biglang pinalayas si Flor (Mylene) ng kanyang asawa na si Tony (Jake) na kalaunan ay lumayo, kasama ang ina at kanyang mga anak. Matapos ang mahigit isang taon na pagkakawalay sa pamilya, napagdesisyunan ni Flor na bumalik, ngunit laking gulat niya na may kinikilala nang bagong manungang ang kanyang biyenan, bagong asawa si Tony, at bagong ina ang kanyang mga anak--ang kinakasama ni Tony na si Sylvia (Aubrey). Ano ang kayang gawin ng isang asawa at ina upang muling makuha ang loob ng kanyang pamilya? Anong nagtulak kay Flor upang kaibiganin ang kabit ng kanyang asawa? Kasama sina Deydey Amansec, Veronica Louise Bernardo, Steven Fermo, at Alexa Ilacad. Sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon nina Rechie del Carmen at Nick Olanka. Huwag palampasin ang isa na namang heavy family drama episode ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya, pagkatapos ng Wansapanataym.
















