abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: ANNULMENT

Ian de Leon, Dimples Romana, Slater Young, Lloyd Zaragoza, Madz Nicolas, Soliman Cruz, Kaye Miranda, Charles Christianson, at Alyanna Angeles.

Date: 2012-04-25

IAN DE LEON AT DIMPLES ROMANA, BIDA SA ANNULMENT EPISODE NG MMK. Patuloy ang Maalaala Mo Kaya sa pagiging salamin ng buhay ng mga Pilipino. Bukod sa mga nakakikilig na kuwentong pag-ibig, itinatampok rin sa MMK ang ilang napapanahong isyung panlipunan katulad ng mga episode na inere nito kamakailan kaugnay ng samahan ng magkapatid na tomboy at bakla at pagiging batang ina. Ngayong Sabado (Abril 28), annulment episode naman ang mapapanood sa longest-running drama anthology sa Asya. Sa kuwento, bibigyang-buhay ni Dimples ang karakter ng battered wife na si Michelle na nagsampa ng annulment laban sa mapang-abuso niyang asawa. Habang umuusad ang kaso, makikilala niya ang abogadong si David (Ian) na katulad rin niyang nagmula sa isang malungkot na relasyon, na kalauna’y iibig sa kanya. Sa gitna ng pagtutol ng kani-kanilang mga pamilya, mapatutunayan kaya nila Michelle at David na totoo ang pag-ibig nila sa isa\'t isa? May buhay pa kaya matapos ang annulment? Samantala, tiyak na kaabang-abang rin ang MMK ngayong Sabado, lalo na sa fans ng Pinoy Big Brother (PBB), dahil tampok rito ang pinakabagong PBB big winner na si Slater Young. Ito ang kauna-unahang pagganap ni Slater sa award-winning drama program ng ABS-CBN. Kasama nina Ian, Dimples, at Slater sa MMK episode sina Lloyd Zaragoza, Madz Nicolas, Soliman Cruz, Kaye Miranda, Charles Christianson, at Alyanna Angeles. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Matet Balanay, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Nuel Naval. Huwag palampasin ang isa na namang makabagdamdaming kuwento ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.”

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }