Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: CHAVEZ SISTERS
Kim Chiu, Miles Ocampo, Anya Aguilar, Ana Capri, John Arcilla, Lui Manansala, Duday at Jaycee Parker.
Date: 2012-03-21KIM CHIU, GAGANAP NA BULAG SA ‘MMK’ Malaking inspirasyon ang idinulot kay Kim Chiu ng karakter na gagampanan niya sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado(Marso 24). Ayon kay Kim, natutunan niyang higit na pahalagahan ang lahat ng mga biyayang natatanggap niya dahil sa lahat ng pagsubok na hinarap ng ginampanang niyang si Pauleen Chavez, isang babaeng bulag na may brain tumor. \"Dahil sa istorya ng ‘Chavez sisters’ natutunan kong dapat makuntento tayo sa kung anong meron tayo dahil maraming tao na tulad nila Pauleen na maraming pinagdaraanang hirap pero nananatiling matapang at matatag,” ani ni Kim. \"Nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat, masaya pa rin silang magkakapatid na hinaharap ang buhay.” Bilang pagbabalik-telebisyon ni Kim matapos ang matagumpay niyang primetime teleseryeng “My Binondo Girl,” lubos na pinaghandaan niya ang kanyang role. Nag-research siya tungkol sa kondisyon ni Pauleen upang maging makatotohanan ang kanyang pagganap. Aniya, \"Hindi madali \'yung pinagdadaanan niya. Sobrang hirap at kailangan talaga ng matibay na pananampalataya sa Diyos at matinding tiwala sa sarili.\" Makakasama ni Kim sa ‘Chavez sisters’ episode ng “MMK” sina Miles Ocampo, Anya Aguilar, Ana Capri, John Arcilla, Lui Manansala, Duday, at Jaycee Parker. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Nuel Naval

































