Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: BAHAY
Matt Evans, William Lorenzo, Jaclyn Jose, Neil Coleta, Dianne Medina, Lauren Young, Hiyasmin Neri, Arlene Tolibas, Mario Capalad, Ganiel Krishnan, Jairus Aquino, Basty Alcanses, Khaycee Aboloc, Dexie Daulat, and Veyda Inoval
Date: 2012-06-14Bugbog-sarado ang Kapamilya leading man na si Matts Evans sa espesyal na Father\'s Day episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Hunyo 16) kung saan bibigyang buhay niya ang karakter ni Tikboy, isa sa mga anak ng mapang-abusong ama na si Toto (William Lorenzo). Sa halip na lumaki sa piling ng matatag na haligi ng tahanan, pawang takot at sakit ang kinagisnan ni Tikboy at ng kanyang mga kapatid dahil sa pagiging mapanakit ng kanilang ama. Paano nga ba bubuuin ang isang pamilyang winasak ng karahasan? Kasama nina Matt at William sa heavy family drama MMK episode ngayong Sabado sina Jaclyn Jose, Neil Coleta, Dianne Medina, Lauren Young, Hiyasmin Neri, Arlene Tolibas, Mario Capalad, Ganiel Krishnan, Jairus Aquino, Basty Alcanses, Khaycee Aboloc, Dexie Daulat, at Veyda Inoval. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin, panulat ni Joan Habana, at sa direksyon ni Raz de la Torre. Huwag palampasin ang isa na namang markadong heavy family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), pagkatapos ng Wansapanataym.






















