abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: BAGOBO

Angeline Quinto, Jason Abalos, Alex Castro, Arie Reyes, Tanya Gomez, Bing Davao, Eva Darren, Tom Olivar, Isabel Lopez, Girlie Alcantara, at Izzy CaniIlo at Alec Dungo

Date: 2012-08-10

ANGELINE, GAGANAP NA KATUTUBONG BAGOBO SA KANYANG UNANG MMK Sasabak na ang Pop Superstar na si Angeline Quinto sa kauna-unahan niyang episode sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Agosto 11). Bibigyang buhay niya ang karakter ni Carina, isang katutubong Bagobo na iibig sa isang makisig na Ilonggo na si Ariel (gagampanan ni Jason Abalos). Bukod sa pang-aalipusta at pagtutol sa relasyon nila ng pamilya ni Ariel, naging malaking balakid rin sa pag-iibigan nila ang magkaiba nilang kultura. Sapat nga ba ang wagas na pagmamahal upang pagbuklurin ang dalawang pusong may saliwaang paniniwala at kagawian? Kasama nina Angeline at Jason sa MMK episode sina Alex Castro, Arie Reyes, Tanya Gomez, Bing Davao, Eva Darren, Tom Olivar, Isabel Lopez, Girlie Alcantara, at Izzy CaniIlo. Itatampok rin dito ang acting debut ng Pinoy Big Brother Teen Editon 4 ex-housemates na sina Alec Dungo at Roy Requejo. Samantala, ang first movie ni Angeline na Born to Love You, kung saan kasama niya ang Coco Martin, ay nasa original DVDs at VCDs na at mabibili sa video stores at record bars sa buong bansa. Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Angeline sa episode na bahagi ng selebrasyon ng World Indigenous Day sa Maalaala Mo Kaya (MMK), ngayong Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }