Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: LANGOY
Abby Bautista, Arjo Atayde, Lito Pimentel, Ana Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, at Crispin Pineda
Date: 2012-06-06BATANG BABAE, NILALANGOY ANG DAGAT MAKAPAG-ARAL LANG Habang ang mga estudyante sa siyudad ay abala sa pag-update ng kanilang Facebook accounts at pagpapabili sa mga magulang ng latest gadgets, maraming kabataan sa bansa ang malaki ang sinasakripisyo makapag-aral lamang. Tulad na lang ng batang si Rizza (Abby Bautista) na araw-araw ay nilalangoy ang dagat makapasok lang ng eskwela. Bagama\'t biglang huminto sa pag-aaral ang iniidolo niyang kuya, hindi pinanghinaan ng loob si Rizza upang tuparin ang pangarap na magka-diploma. Kasama sina Arjo Atayde, Abby Bautista, Lito Pimentel, Ana Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, at Crispin Pineda. Sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Mark Angos, at sa direksyon ni Rechie Del Carmen. Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), pagkatapos ng Wansapanataym.












