abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: BIPOLAR DOCTOR

Iza Calzado, Bembol Roco, Louella De Cordova, Cheska Iñigo, Pia Romero, Phytos Kyriacou, Ismael Clavero, Edward Mendez, Kalila Aguilos, Lowell Conales, Kyline Alcantara, at Sofia Millares.

Date: 2012-09-12

IZA, AAKUSAHANG BIPOLAR SA MMK. Muling magpapamalas ng kanyang husay sa pagganap ang award-winning actress na si Iza Calzado sa isang heavy drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Setyembre 15). Sa kaniyang pagbabalik-MMK, bibigyang buhay ni Iza ang karakter ni Rosalyn, isang doktora na dumanas ng matinding depresyon matapos ang iba\'t ibang malulungkot sa karanasan, partikular na dahil sa kanyang ama na si Gilbert (Bembol Roco). Nagsimulang mawasak ang magandang samahan ng mag-ama nang matuklasan ni Rosalyn na may ibang kinakasamang babae ang tatay niya. Sa simula ay paranoia at major depression lamang ang dinaranas ni Rosalyn, ngunit kalaunan ay na-diagnose siya na may bipolar disorder na labis na ipinagbago ng kanyang buhay at ng mga tao sa paligid niya. Ano nga ba ang ng sakit na dinulot ng nawasak na pagtitiwala? Kasama sina Louella De Cordova, Cheska IƱigo, Pia Romero, Phytos Kyriacou, Ismael Clavero, Edward Mendez, Kalila Aguilos, Lowell Conales, Kyline Alcantara, at Sofia Millares. Sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Maan Dimaculangan-Fampulme, at direksyon ni Mae Czarina Cruz. Huwag palampasin ang matapang na pagganap ni Iza sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym sa ABS-CBN.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }