abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: PUPPY LOVE

Nash Aguas, Mika dela Cruz, Yayo Aguila, Bobby Andrews, Basty Alcanses,Nikki Bagaporo, and Arnold Reyes.

Date: 2012-03-15

DATING KAPAMILYA CHILD STARS, IN-LOVE NA? Sasabak na sa isang love story ang tatlong dating child stars ng ABS-CBN na sina Nash Aguas, Paul Salas, at Mika dela Cruz. Bibida sila sa ‘Puppy Love’ episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Marso 17) bilang sina Justin (Nash), Nikko (Paul), at Rio (Mika). Sa kuwento, susubukin ang tatag ng pagkakaibigan ng dalawang binatilyong kapwa tumibok ang puso para sa iisang babae. Kailan nga ba ang tamang panahon para umibig? Kasama nina Nash, Paul, at Mika sa “MMK” episode sina Yayo Aguila, Bobby Andrews, Basty Alcanses, Nikki Bagaporo, at Arnold Reyes. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Mervyn Brondial. Huwag palampasin ang nakakakilig na istorya ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }