Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: LOLO JESSIE
Nanding Josef, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragosa, Maliksi Morales, Jao Mapa, Liza Lorena, Keana Reeves, and Kazel Kinouchi.
Date: 2012-08-01LOLO, INIWAN ANG PAMILYA PARA SA MGA ALAGANG ASO. Hindi matatawarang pagmamahalan ng tao at ng mga alaga niyang hayop ang masasaksihan sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Agosto 4) tampok ang nakaaantig na kuwento ni Lolo Jessie (gagampanan ni Nanding Josef) kasama ang mga asong sina Simba at Brownie. Bagama’t laking pasalamat sa pagkupkop ng kamag-anak, hindi kinaya ng loob ni Lolo Jessie ang kagustuhan ng kanyang pamangkin na palayasin sa bahay ang mga mahal niyang alaga. Sa halip na itaboy at mawala sa piling niya sina Simba at Brownie, pinili na lamang ni Lolo Jessie na iwan ang natitira niyang kapamilya at mamuhay sa kalsada. Ano nga bang kayang gawin ng isang tao para sa mga alagang hayop na kung ituring ay higit pa sa kapamilya? Kasama ni Nanding sa MMK episode ngayong Sabado sina Dingdong Avanzado, Jessa Zaragosa, Maliksi Morales, Jao Mapa, Liza Lorena, Keana Reeves, at Kazel Kinouchi. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Mark Duane Angos at direksyon ni Nick Olanka. Huwag palampasin ang kakaibang kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya (MMK), pagkatapos ng Wansapanataym.











