Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: HIRED KILLER
Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Lester Llansang, Daria Ramirez, Julio Diaz, Lloyd Zaragoza, Jommy Teotico, Josh Ivan Morales and Llowell Conales
Date: 2012-01-19PIOLO PASCUAL, GAGANAP NA HIRED KILLER SA “MAALAALA MO KAYA\" NGAYONG SABADO. Puno ng aksyon ang special birthday episode ni Piolo Pascual sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Enero 21) kung saan gagampanan niya ang karakter ni Randy, isang mabuting anak at kapatid na napilitang maging isang hired killer, matustusan lamang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kanyang kapatid na may sakit. Kasama ni Piolo sa nasabing MMK episode sina Shaina Magdayao, Lester Llansang, Daria Ramirez, Julio Diaz, Lloyd Zaragoza, Jommy Teotico, Josh Ivan Morales, at Llowell Conales. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Arden Condez, at direksyon ni Nuel Naval. Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Piolo ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.














