abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: BRINGAS BROTHERS

Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Valerie Concepcion, Nash Aguas, Ismael Clavero, Allan Paule, Melissa Mendez, Linn Oeymo, Laisa Comia, Angel Sy, Jobelle Salvador, and Raul Montessa

Date: 2012-01-12

RAYVER AT RODJUN, GAGANAP BILANG \'BRINGAS BROTHERS\' SA “MAALAALA MO KAYA\" NGAYONG SABADO. Tampok sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Enero 14) ang nakaaantig na kuwentong buhay ng magkapatid na Jeff at Kurt Bringas o mas kilala bilang \'Bringas Brothers\' na na nagwagi bilang 3rd place sa number one talent reality search sa bansa na \"Pilipinas Got Talent Season 3.\" Bibigyang buhay ang kuwento nila ng magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz. Tuklasin sa episode kung papaanong tinupad ni Jeff (Rodjun) sa pamamagitan ng musika ang pangako sa nakababatang kapatid na si Kurt (Rayver) na mabawi ang kanyang tiwala sa sarili matapos maputulan ng binti dahil sa kanser sa buto. Kasama nina Rayver at Rodjun sa episode sina Valerie Concepcion, Nash Aguas, Ismael Clavero, Allan Paule, Melissa Mendez, Linn Oeymo, Laisa Comia, Angel Sy, Jobelle Salvador, at Raul Montessa. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at direksyon ni Mae Czarina Cruz. Huwag palampasin ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }