abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

Jake Cuenca, Gaganap Bilang Bading Sa Maalaala Mo Kaya Ngayong Sabado

Date: 2011-10-12

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang showbiz career, gaganap bilang bading ang Kapamilya hunk na si Jake Cuenca. Gagampanan niya ang papel ni “Louie” sa ikatlong anniversary episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Oct.15) ng gabi sa ABS-CBN.

Ayon kay Jake, matagal niyang hinintay ang pagkakataon na maging bahagi ng MMK. Aniya, “Pagpasok ko pa lang sa ABS-CBN noon, pangarap ko nang mag-MMK. Sa katunayan, maging guest star lang sa isang regular episode, masaya na ako. Pero ‘yung maging bida sa isang anniversary episode ay malaking karangalan talaga para sa akin. Napakasuwerte ko.”

Sa pagganap bilang bading, ibinahagi ni Jake na sinubok ng MMK ang kakayahan niya sa pag-arte. “Bilang first time kong gumanap bilang bading, challenging talaga ito para sa akin,” sabi ni Jake.

Kuwento pa ng aktor, “Sa totoo lang natakot ako noong inalok sa akin ‘yung role. Pero naisip ko, handa na ako para gawin ito. Alam kong kaya ko nang tumanggap ng ganito ka-challenging na role.”
Sa “Spain” episode ng MMK, bibigyang buhay ni Jake ang karakter ni Louie. Isang anak na ang tanging hangad ay matanggap nang lubusan ng kanyang amang ang tingin sa mga bading ay kahihiyan sa pamilya.


Hanggang saan ang kayang gawin ng isang anak makamit lamang ang pagtanggap ng sariling ama? Hangganag kalian dapat ipaglaban ang sarili sa mapangutyang tingin ng lipunan? Kasarian nga ba ang sukatan ng pantay na pagkilala?
Kasama sina Ricky Davao, Malou de Guzman, at Vivian Velez, ang “Spain” episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao at panulat ni Benson Logronio.


Huwag palampasin ang bawat anniversary episode ngayong Oktubre na hatid ng longest-running, top-rating at multi-awarded drama anthology ng ABS-CBN, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }