Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: GAY AND LESBIAN
Janus del Prado, Trina Legaspi, Sharmaine Suarez, Gloria Sevilla, Ismael Clavero, Kyline Alcantara, Jong Cuenco, CJ Navato, Simon Ibarra, and Amante Pulido
Date: 2012-04-12KWENTO NG MAGKAPATID NA BADING AT TOMBOY, ILALAHAD SA “MMK” Nanatiling isang maselan na paksa para sa mga Pilipino ang sekswalidad ng isang tao. At ngayong Sabado (Abril 14), ibabahagi sa “Maalaala Mo Kaya” ang isang kwentong sumasalamin sa mga masasakit na pangmamata at panghuhusga na pinagdadaanan ng mga bading at tomboy sa ating lipunan. Matapos magkalakas ng loob na aminin sa pamilya na siya ay isang bakla, agad-agad nagtungo si Bonsai (Janus del Prado) sa Maynila para hilumin ang mga sugat na dinulot ng diskriminasyon ng kanyang mga kaanak. Sa gitna ng kanyang tuluyang paglaladlad, nakaramdam ng takot at matinding pag-aalala si Bonsai nang makita niya ang bunsong kapatid na si Lencie (Trina Legaspi) na isa nang tomboy. Sa pangangambang matulad sa kanya ang kapatid, paano poprotektahan ni Bonsai si Lensie laban sa mga panlalait at pangmamaliit ng ibang tao sa kanya? Matatanggap pa kaya sila ng kanilang pamilya? Kasama rin sa “MMK” episode sina Sharmaine Suarez, Gloria Sevilla, Ismael Clavero, Kyline Alcantara, Jong Cuenco, CJ Navato, Simon Ibarra, at Amante Pulido. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Benson Logronio at direksyon ni Nuel Naval. Huwag palampasin ang isang nakakaantig na istorya ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.”



























