abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

RICA AT ARA TAMPOK NGAYONG SABADO SA “MAALAALA MO KAYA.”

Date: 2011-11-03

Bibida sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Nobyembre 5) sina Rica Peralejo at Ara Mina kung saan gaganap sila bilang magkaibigang pinatatag ng mga pagsubok sa buhay. Tunghayan kung papaanong ang dating alalay na si Ester (Ara) ay amo na ngayon ng dating artista si Eva (Rica). Kasama sina Marlann Flores, Angelie Urquico, Dexter Doria, Trina Legaspi, at Archie Alemania; ang ‘Katulong-Amo’ episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado C. Lumibao at panulat ni Joan Habana. Huwag palampasin ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial


{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }