abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

Ang Pag-Ibig na Hindi Mahahadlangan

Date: 2011-10-27

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng ika-20 taon ng longest-running, top-rating, at multi-awarded drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tampok ngayong Sabado (Oktubre 29) ang isang kwento ng pag-ibig na hindi papahadlang sa pagdududa, pagkakaiba, at kahirapan. 

 

Bibigyang buhay ng batikang aktres na si Rio Locsin ang karakter ni ‘Anita,’ isang babaeng mula sa isang masalimuot na relasyon ngunit natutong muling umibig nang makilala si Hideo (Ya Chang), isang Hapon na may pambihirang respeto sa wikang Pilipino at sa musikang Pinoy. Ang pagmamahalang ito ay hahadlangan ng sariling anak ni Hideo na bibigyang kulay ang intensyon ni Anita para sa kanyang ama.

 

Hanggang saan maapektuhan ng pagkakaiba ang pagmamahalan ng dalawang tao? Mas importante nga ba ang yaman kesa sa sariling dugo? Ano ang kapalit ng pagkakaunawaan?

 

Kasama sina Desiree del Valle at Neri Naig, ang “Japan” episode ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel C. Naval at panulat ni Maan Dimaculangan.

 

Huwag palampasin ang isa na namang anniversary episode ng “Maalaala Mo Kaya,” tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }