Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: UNDERGROUND BOXER
Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Philip Nolasco, BJ Forbes, Celine Lim, Veyda Innoval, Michael Roy Jornales,Carlos Morales, Levi Ignacio, Andrei Garcia, Aleck Bovick and Mike LLoren
Date: 2012-09-01MMK EPISODE NI COCO MARTIN, WAGI SA SEOUL INTERNATIONAL DRAMA AWARDS 2012
Nagwagi ng special prize ang Maalaala Mo Kaya sa katatapos lamang na 7th Seoul International Drama Awards. Pinarangalan ang longest-running drama anthology ng Asya para sa ‘Kamao’ episode (na may international title na \"Remembering: Fist\") nitong pinagbidahan ng multi-awarded actor Coco Martin.
Ayon kay MMK business unit head Malou Santos, ang bagong pagkilala mula sa Seoul International Drama Awards ay isang karangalang inaalay nila sa lahat ng mga Pilipinong naging malaking bahagi ng dalawang dekada ng programa.
\"Ang tagumpay na ito ay ibinabahagi naming sa mga Pilipinong patuloy kaming pinapahanga sa kanilang mga kwento ng pag-asa at katatagan,” ani Malou. “Isa rin itong pagpupugay hindi lamang sa natatanging husay ng mga tao sa likod ng ‘MMK,\' kundi maging sa dangal at tibay ng loob ng mga karaniwang tao na higit pumupukaw sa aming puso.\"
Sa pangunguna ng highly acclaimed director na si Dado Lumibao, ang “MMK: Kamao” episode ay halaw sa totoong kuwentong ni Ramon (Coco), isang underground boxer na lumaki sa pambubugbog ng magulang. Ngunit nang makapagdesisyonan na si Ramon na talikuran ang boksing, sinubok siya ng kapalaran at kalauna\'y napilitang gumawa ng mga krimen na ikinamuhi ng kanyang pamilya. Kasama ni Coco sa nasabing episode sina Jodi Sta. Maria, Philip Nolasco, BJ Forbes, Celine Lim, Veyda Innoval, Michael Roy Jornales, Carlos Morales, Levi Ignacio, Andrei Garcia, Aleck Bovick, at Mike Lloren. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin at isnulat ni Benson Logronio,
Ang internationally-acclaimed MMK: Kamao episode ay muling ipalalabas ng ABS-CBN ngayong Sabado (Setyembre 1) pagkatapos ng Wansapanataym.







































