abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: Panganay

Joseph Marco, Jimmy Santos, Susan Africa, Nikki Bagaporo, Makisig Morales and Barbie Sabino.

Date: 2011-12-15

JIMMY SANTOS, MAGPAPAIYAK NG MGA KAPAMILYA SA “MAALAALA MO KAYA” NGAYONG SABADO. Muling mapapanood sa Kapamilya Network ang beteranong komedyanteng si Jimmy Santos dahil bibida siya kasama ang ang batang aktor na si Joseph Marco sa ‘Panganay’ episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Disyembre 17). Saksihan kung papaanong ang pagkakakulong ng mga magulang ang mismong naging dahilan ng anak upang magsumikap at lumaban sa buhay sa ngalan ng kanyang mga kapatid. Kasama nina Jimmy at Marco sina Susan Africa, Nikki Bagaporo, Makisig Morales, Barbie Sabino, Dang Cruz, Neil Sese, Racquel Villavicencio, Crispin Pineda, Elaine Quemuel, at Jovic Susim. Ang ‘Panganay’ episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Wenn Deramas. Tutukan ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }