abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

ASWANG

Precious Lara Quigaman and Sylvia Sanchez

Date: 2011-11-23

ABANGAN ANG ASWANG SA MAALAALA MO KAYA NGAYONG SABADO. Kakaibang pagkakaibigan ang tampok sa Aswang episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Nobyembre 26). Tuklasin kung papaano tinanggap at kinalinga ni Analina (Precious Lara Quigaman) si Poying (Sylvia Sanchez), ang kinatatakukang aswang sa kanilang lugar. Ano nga ba ang sukatan ng tunay na pagkakaibigan? Karapat-dapat bang panindigan ang taong hinusgahan nang masama ng lipunan? Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at sa panulat ni Joan Habanna, bahagi rin ng Aswang episode sina Kathleen Hermosa, Dionne Monsanto, Gerald Madrid, Lui Villaruz, Maliksi Morales, Lui Manansala, at Khaycee Aboloc. Patuloy na tutukan ang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Junior Master Chef Pinoy Edition. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }