Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: BATANG INA
Sharlene San Pedro, Dante Rivero, Justin Cuyugan, Cherry Lou, Joy So, Chienna Roseph Filomeno and Edrilyn Ocampo.
Date: 2012-04-19SHARLENE SAN PEDRO, gaganap na batang ina sa MMK ngayong Sabado, April 21. Apat na taong gulang pa lang si Gigi (Sharlene)nang mamatay ang kaniyang ama at iwan siya ng kaniyang ina kaya naman kinupkop na siya ng kaniyang Lolo Doming. Ngunit dahil sa kahirapan, napilitang huminto sa pag-aaral si Gigi at mamasukang katulong sa Cebu. Dito na nagsimula ang bangungot sa buhay ni Gigi nang paulit-ulit siyang pagsamantalahan ng kaniyang amo. Bumalik si Gigi sa kaniyang Lolo na buntis. Sa murang edad, kinailangang harapin ni Gigi ang pagiging isang ina sa anak niyang si Angel. Ngunit hindi ito naging madali. May pagkakataong sinisi ni Gigi ang anak niya dahil pinapaalala nito sa kaniya ang mga bagay na sapilitang inagaw sa kaniya --- ang kaniyang kabataan, dignidad at kalayaan. Matutunan kaya ni Gigi na mahalin ang kaniyang anak at maging mabuting ina? Kasama rin sa MMK episode sina Dante Rivero, Justin Cuyugan, Cherry Lou, Joy So, Chienna Roseph Filomeno and Edrilyn Ocampo. Sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Marie Ann Dimaculangan-Fampulme at direksiyon ni Don Cuaresma. Huwag palalampasin ang isa na namang nakakaantig na kuwento ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng \"Wansapanataym\" sa ABS-CBN.






































