Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: DOLPHY
Dolphy, Epi Quizon, Marita Zobel, Roxanne Guinoo, Eric Fructuso, John Arcilla, Nash Aguas, and Makisig Morales
Date: 2012-07-14DOLPHY, MULING MAPAPANOOD SA MMK NGAYONG SABADO. Bilang pagbibigay-pugay sa nag-iisang Hari ng Komedya, muling ipalalabas ngayong Sabado (Hulyo 14) ng Maalaala Mo Kaya ang heavy family drama episode na pinagbidahan ng yumaong haligi ng showbiz na si Dolphy. Sa kwento, binigyang buhay ni Dolphy ang karakter ni Abel, isang amang nakulong sa salang hindi niya ginawa. Matapos ang apat na dekada sa kulungan, lumaya si Abel na walang ibang ninanis kung hindi makapiling ang kanyang pamilya. Kasama ni Dolphy sa episode sina Epi Quizon, Marita Zobel, Roxanne Guinoo, Eric Fructuso, John Arcilla, Nash Aguas, at Makisig Morales. Ang episode ay sinulat nina Ruel Montañez at Arah Jell Badayos, at idinirek ni Jeffrey Jeturian. Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Dolphy sa isang heavy family drama episode ng longest-running drama anthology ng Asya, ang Maalaala Mo Kaya(MMK), ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng Wansapanataym.
















