Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: FOSTER A CHILD
Coney Reyes, Tommy Abuel, Pia Romero, Bryan Santos, Franco Daza, Charles Christianson, Kalila Aguiluz, Blythe, Nikka Valencia, and Tanya Gomez
Date: 2011-12-21CONEY REYES, MAG-AAMPON NG BATA NGAYONG PASKO. Bibida ngayong bisperas ng Pasko (Disyembre 24) sa “Maalaala Mo Kaya” ang beteranang aktres na si Coney Reyes. Matapos ang matagumpay na Primetime Bida series na “100 Days to Heaven,” muling mapapanood sa telebisyon si Coney sa \'Foster a Child\' episode ng MMK kung saan gagampanan niya ang karakter ni \'Mila,\' isang inang noong una\'y tinatanggihan ang mag-ampon ng bata, ngunit sa kalauna\'y mamahalin ng tunay ang sanggol na kinalinga. Saksihan kung papaanong higit na ginawang makabuluhan ng isang sanggol ang Pasko ng isang mag-anak at ang pagiging magulang ng isang ina. Kasama ni Coney sa \'Foster a Child\' episode sina Tommy Abuel, Pia Romero, Bryan Santos, Franco Daza, Charles Christianson, Kalila Aguiluz, Blythe, Nikka Valencia, at Tanya Gomez. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Benjamin Benson Logronio, at direksyon ni Rechie del Carmen. Huwag palampasin ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.












