abs-cbn
nav-left
nav-right

Exclusives

SEE ALL EXCLUSIVES

MMK: FIELD HEALTH WORKER

Pokwang, Gardo Versoza, Perla Bautista, Dexter Doria, Jacob Dionisio, Izzy Canillo, Marissa Sanchez and Cheska Billiones

Date: 2012-01-25

POKWANG, MAGPAPALUHA NGAYONG SABADO SA “MAALAALA MO KAYA.\" Matapos ang matagumpay niyang pelikulang \"A Mother\'s Story,\" TV viewers naman ang paluluhain ni Pokwang ngayong Sabado (Enero 28) sa pamamagitan ng “Maalaala Mo Kaya,” kung saan gagampanan niya ang karakter ni Tita, isang ulirang \'ilaw ng tahanan\' na nagsumikap magtrabaho bilang isang field health worker upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Ngunit sa gitna ng mga pagsusumikap, susubukin ang kanyang katatagan sa paghihiwalay nilang mag-asawa at paglayo ng loob ng kanyang anak. Kasama ni Pokwang sa kanyang MMK episode sina Gardo Versoza, Perla Bautista, Dexter Doria, Jacob Dionisio, Izzy Canillo, Marissa Sanchez at Cheska Billiones. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alora Ramos, panulat ni Mark Angos, at direksyon ni Dado Lumibao. Huwag palampasin ang natatanging pagganap ni Pokwang ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

{ close }

Please register first before submitting your story

{ close }