Exclusives
SEE ALL EXCLUSIVESMMK: BALIW
Philip Salvador, Kathryn Bernardo, Snooky Serna, Janus del Prado, Alexa Ilacad, Ogie Escanilla, Kristoff Meneses
Date: 2012-01-04PHILIP AT KATHRYN, MAGPAPALUHA NGAYONG SABADO SA “MAALAALA MO KAYA.” Magkakasama sa unang pagkakataon ang beteranong aktor na si Philip Salvador at ang Kapamilya Primetime Princess na si Kathryn Bernardo ngayong Sabado (Enero 7) sa isang natatanging episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK). Bibigyang buhay nila ang samahan ng mag-amang Ete (Philip) at Dang (Kathryn) na hinarap ang isang matinding pagsubok na higit na nagpatatag ng kanilang pamilya. Saksihan sa kuwento ang katatagan ng isang anak na nanatiling nangangarap para sa amang nagkasakit sa pag-iisip at nagsilbing sandigan ng kanyang ina at mga kapatid. Kasama ni Philip at Kathryn sa MMK sina Snooky Serna, Janus del Prado, Alexa Ilacad, Ogie Escanilla, at Kristoff Meneses. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Ruel Montañez, at direksyon ni Dado Lumibao. Huwag palampasin ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Junior Master Chef Pinoy Edition.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial














